P1.34 B monetary awards sa 19,843 workers dahil sa Labor Dispute Resolution mechanisms

Date Posted: December 29th, 2016 03:44 PM

Umabot sa P1.34 billion monetary awards ang napakinabangan ng 19,843 na manggagawa sa pamamagitan ng Labor Dispute Resolution mechanisms ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong 2016.

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III, iniulat ni National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Executive Director Shirley Pascual na noong Nobyembre 30, 2016, matagumpay na naresolba ng NCMB ang 5,872 kaso sa tulong ng ADR mechanisms para sa P1.340 bilyon na monetary awards sa 19,843 na manggagawa.

 

"Alternative dispute resolution (ADR) is an effective way to provide labor justice in a speedy and impartial approach," wika ni Bello.  

 

Sa mga naresolbang kaso, 147 rito ay notices of strikes/lockouts; 361 ang preventive mediation cases; 298 ang voluntary arbitration; at 5,054 naman ang Single Entry Approach (SeNA). 

 

Sa ulat ni Pascual, mula sa mga naresolbang kaso, 298 sa 550 na kaso ay hinawakan sa ilalim ng Voluntary Arbitration na may pinakamalaking monetary award na nasa P829.7 Million para sa 302 na manggagawa.

 

May kabuuan 147 na notice of strikes/lockouts ang naresolba sa 205 na kaso na may P229.9 milyon na monetary awards sa 3,236 manggagawa.

 

Mula sa 5,615 na request for assistance (RFA) sa Single Entry Approach (SeNA), 4,091 ang naresolba para sa pagbibigay ng P158 milyon sa 4,566 na manggagawa.

 

Sa Preventive Mediation, 361 kaso mula sa 423 na hinawakan ay may 1,739 workers ang nabigyan ng P122.9 Million.

 

Sinabi ni Bello na patuloy ang pagtaas ng establisyimento na may Labor Management Cooperations (LMC) at Grievance Machineries (GM).

 

“Ang pagkakaroon ng LMC at GM sa mga establisyimento ay patunay nang pagpapatuloy sa resolusyon ng plant-level grievances,” pahayag pa ng kalihim.

 

#paulang

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo