OSHC nananatiling ISO certified, 100-K manggagawa naserbisyuhan sa 2016

Date Posted: January 10th, 2017 04:56 PM

Nananatiling matatag sa kanilang mandato ang Occupational Safety and Health Center (OSHC), na attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE), na protektahan ang mga manggagawa laban sa mga insidente ng paglabag sa kanilang pinapasukan at itaguyod ang kapakanan ng mga manggagawa.

 

Ito ang tinuran ni Executive Director Maria Teresita Cucueco matapos mag-ulat kay DOLE Secretary Silvestre H. Bello III at sinabing napananatili ng OSHC ang ISO 9001:2008 certification.

 

“Matapos dumaan sa surveillance audit ang sistema ng ahensya para sa recertification ng TUV Rheinland, ang pioneering international certification body ng bansa, napanatili ng OSHC ang ISO 9001:2008 certification. Ito na ang huling surveillance audit at tutungo na tayo sa ISO 9001:2015 sa susunod na taon,” ayon kay Cucueco.

 

Nabatid na isinagawa ang ikalawang surveillance audit noong Disyembre 22 na may ‘no non-conformities’, kung saan napananatili ng OSHC ang ISO Certification nito sa limang pangunahing proseso: in-house Basic Occupational Safety and Health (BOSH) training, pagpapakalat ng impormasyon, occupational safety at health audit, conduct of work environment measurement, at biological monitoring for heavy metals. Kasama rin dito ang support processes tulad ng human resource, purchasing, billing, repair at maintenance ng mga IT equipment, seguridad, at general services.

 

Kasunod ng pagsisikap ng OSHC na mapanatili ang ISO Certification nito, kinilala na ang departamento ng Government Quality Management Committee (GQMC), na pinamumunuan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin E. Diokno, dahil sa pagtupad nito sa mandato ng ISO Quality Management System Standards, partikular sa mga frontline services.

 

Sinabi naman ni Executive Director Cucueco na noong 2016, ang OSHC ay nakapagbigay ng occupational safety and health (OSH) services sa 106,620 Pilipinong manggagawa.

 

Kabilang rito ang 36,527 na manggagawa mula 14,681 na kumpanya ang nakiisa sa mandatory at specialized occupational safety and health trainings sa buong bansa; 69,203 workers mula sa 193 kumpanya naman ang nakinabang sa Work Environment Measurement (WEM); 827 manggagawa mula sa 15 kumpanya ang nakinabang sa blood testing for heavy metals, biologic monitoring at medical examinations; habang 40 consultants at 23 safety training organizations naman ang naging accredited.

 

Bilang national authority for research and training on safety and health at work, ang OSHC ay nagsasagawa ng mga pag-aaral sa bansa, compensable diseases, OSH para sa mga bagitong manggagawa sa construction industry, OSH conditions ng mga self-employed workers sa Metro Manila, working conditions sa pelikula at TV industry, at mga pinsalang nakukuha sa trabaho at sakit sa mga Pinoy seafarers.

 

#paulang

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo