150 female dental assistant, kailangan ng Saudi Health Ministry

Date Posted: January 6th, 2017 06:06 PM

Tumatanggap na ngayon ang Philippine Overseas Employment Administration ng mga aplikasyon para sa posisyong 150 dental assistant sa Ministry of Health ng Saudi Arabia.

 

Ang mga hinahanap na aplikante ay babae, hindi hihigit sa 40 taon edad, nagtapos ng Doctor of Dental Medicine, at may board license at minimum na tatlong taong karanasan sa trabaho.

 

Magbibigay ang Ministry of Health ng basic salary na 4100 Saudi Riyal, libreng pakain at pabahay, at bayad na taunang bakasyon na may libreng round trip ticket.

 

Ang mga kwalipikadong aplikante ay maaaring mag-rehistro online sa www.eregister.poea.qov.ph at personal na mag-sumite ng kanilang detalyadong resume na may kasamang job description, school credentials, employment certificates, kopya ng passport at dalawang pinakabagong larawan na may sukat na 2x2 (nakapaloob sa isang folder na may markang "Ministry of Health (MOH)" sa Manpower Registry Division, Window T, Ground Floor, Blas F. Ople Bldg. (dating POEA Bldg.), Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City:

 

Kinakailangang maipakita ng aplikante sa POEA ang kanilang orihinal na mga dokumento bilang pagpapatunay na tama ang impormasyong nakasaad sa kanilang resume bago ito ipapadala sa employer.

 

END/POEA/GMEArce

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo